mahal kong sakura,
alam kong bago ka pa lang sa mundong ito. posibleng magkaedad lang tayo o mas nakakatanda ka sa akin ng ilang taon. pero alam ko rin na dati rati pa, mula nang tinayo ang pasyalang ito, lagi nang may nakatanim na sakura dito. pinapasapasa ba nang nakaraang henerasyon ang kanilang mga ala-ala sa inyo? kung ganon, nais ko sanang malaman - ilang beses mo bang nakita si jose rizal na dumaan sa ilalim ng iyong lilim? ilang beses ba syang tumingala at pumuna sa iyong ganda? talaga bang kasing-tapang at kasing-galing sya tulad nang sinasabi ng mga libro? ilang babae ba ang namasdan mong kasama nya, hawak-hawak ang kanyang braso? ilang gabi mo ba sya nakitang naglalakad pauwi kasama ang mga kaibigan? sabi ng mga libro hindi naman daw kagwapuhan si rizal, pero sa tingin mo kung nagkita kami, magugustuhan ko kaya sya? magustuhan nya kaya ako? :P mabuti ba syang tao? sa tingin mo, maging kasing-galing din kaya ako tulad nya? gusto ko sanang malaman kung paano mag-isip ang isang taong tulad nya. kung sana lang maka-usap mo ako.
(cherry blossoms near frans anneessens' commemorative statue a few meters from where jose rizal stayed while in brussels)
No comments:
Post a Comment